Kwentong Lockdown #01 – Ang Mga Frontliners, Tao Lang Din Ang Mga Iyan

Standard

First week pa lang ng COVID19 community quarantine naisipan ko nang maki-uso at gumawa ng tribute video para sa ating mga frontliners. Karamihan kasi sa atin natuto nang mag-vlog dahil sa pagka-bagot. At hindi na rin kasi uso ang traditional blog na gaya nitong ginagawa ko ngayon. Kaso ang hirap magpa-cute sa video (lalo na kung alam mo naman na hindi ka cute, at hindi ka naman celebrity), at malaki rin ang nakokonsumong oras ng pag-eedit, eh magte-thank you lang naman ako tapos… tapos na.

As of yesterday (April 7, 2020), aprubado na ang extension ng lockdown hanggang April 30. So kailangan na muna nating i-pause ang Youtube, Tiktok at Netflix na iyan at aminin sa ating mga sarili na apektado naman talaga tayong lahat mapa-mayaman o mahirap, employee o employer ng krisis na ito. At kailangan din nating pag-isipan ang posibilidad na bago mag-April 30 ay baka magkaroon ng announcement ng bagong extension.

So tuloy lang ang skeleton workforce ng mga frontliners natin.

Paano nga ba natin sila totoong mapapasalamatan bukod sa paggawa ng thank you video sa Tiktok o kung anumang video platform ang gamit niyo?

Hindi ko rin alam sa totoo lang. Kasi as of this moment mukhang kailangan ko din ng tulong. Pinansyal! Kaya kung anu-ano na lang talaga ang naiisip ko ngayon.

So naisip ko rin na alam naman natin siguro na itong mga frontliners na ito, mga tao din ang mga iyan at hindi sila superhero. Pero nag-sink in ba talaga sa atin iyon? Maayos ba talaga nating naisalaksak sa kaibuturan ng ating mga kokote ang fact na iyan?

Mahirap talagang iproseso sa kokote iyan lalo na kung may nagsasabi jan na ang swerte naman daw nung mga health care workers na namatay dahil sa COVID19, kasi namatay sila para sa bayan.

Hindi ko alam kung paano niya nasasabi iyan, eh buhay pa naman kasi siya hanggang ngayon kaya paano ba niya malalaman ang pakiramdam nung unti-unti kang nalalagutan ng hininga pero at the same time proud na proud ka sarili mo na mamamatay ka para sa bayan at magiging superhero ang tingin ng lahat tao sa iyo.

Ewan ko sa kanya.

Basta ang sabi ng isang doktor ni si Dr. Grace Torres na nakipaglaban sa kamatayan dahil sa COVID19, ang nasa isip daw niya noong panahon na iyon ay paano na ang anak niya at mga senior citizens na niya na mga magulang. Umiiyak daw siya. Paano kung pati pamilya niya ay nahawaan niya?

‘Eto ang buo niyang kwento.

Screenshot_2020-04-07-15-28-38-87

So ayun nga guise, tao lang din ang mga iyan. Kapag sila ang naging pasyente kung ano ang kailangan ng mga non-health workers na pasyente ganoon din ang pangangailangan nila. Huwag mong sabihin sa sarili mo na ay doktor naman iyan, kaya niyang gamutin ang kanyang sarili. Mas maliit ang tyansa na matuluyan iyan kumpara dun sa mga non-health workers na pasyente. Anubeh?

Samantalang ‘yung isa pang fact na pupwede rin silang makahawa eh alam na alam na natin. Ni hindi nga sumagi sa isip natin na ay nurse o doktor naman iyan. Baka may super powers (or at least super skills)  iyan na sarilihin na lang niya ‘yung nakakahawa niyang sakit.

Ayaw na nga ng ibang apartment owners jan na magpatira ng mga health workers, ‘di ba?

‘Eto pa ang isang fact, bawal po iyang ginagawa niyong diskriminasyon against our health workers.

Kasuhan na nga ang mga iyan. Kailangan may masampolan para magtigil na sila.

‘Pag sila naman ang tinamaan ng COVID19 syempre magkakapalmuks din naman ang mga iyan na lumapit sa mga dini-discriminate nila. Wala naman kasi silang choice ‘di ba? Sana lang ‘yung mga gumawa ng mga katarantaduhan sa mga health workers ‘wag na silang magkasakit or mai-injure ever sa buong buhay nila para never silang magkakapalmuks na lumapit sa mga taong dini-discrimate nila ngayon.

And guise, huwag na nating subukan na gawin ang ating mga part. Gawin na natin period. Alam naman natin na kaya naman talaga nating gawin ‘di ba?

Kung may nararamdaman ka, natatandaan mo naman siguro lahat ng fact tungkol sa history mo ‘di ba? Sabihin mo lahat ‘yan.

Kung nasa bahay ka lang, stay ka lang jan. Pagkabagot lang kalaban mo sa loob ng bahay, sa labas si COVID19 ang kalaban mo. Eh sino ba talagang mas pipiliin mo? Todo effort na nga kaming mga artists na i-entertain ka eh ‘wag ka lang lumabas. Ang dami na ngang major film studios na nagpa-promo at pinalabas ng libre ang pelikula nila sa Youtube. May mga author na nga din na pinamimigay na ng libre electronically ang kanilang mga akda malibang ka lang, kaya please jan ka lang sa bahay.

Oh ‘eto pa ang pwede mong panoorin ‘pag tapos na subscription mo sa Netflix. ‘Wag ka na munang mag-renew. Magtipid, because krisis is real. Eh ‘eto, libre: https://www.facebook.com/nccancc/posts/123095612627463

Kaya sa puntong ito, napakahalaga rin na magpasalamat tayo sa mga non-frontliners na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa bahay at pinipili pa rin ang maging masunurin.

Saludo po ako sa inyo, sa atin! ‘Di hamak na mas malaki ang ambag natin kumpara dun sa mga sumasalbahe sa mga health workers.

Kaya cheers!

Go #teambahay! Go! Go, #teambahay! Let’s fight and win this battle!

And also gusto ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa mga favorite frontliners ko.

Sa mga doktor sa buhay ko na wala man sa frontline ngayon, at hindi ko man kaano-ano but still managed to go beyond and above their practice sa pag-aalaga sa akin. (Malamang ngayon, nag-iisip rin sila dahil hindi man sila no work no pay, no konsulta no pay at no procedure no pay naman sila. Saan nga ba nila huhugutin ang pambayan sa renta sa clinic na mahigit isang buwan lang namang na-tengga? Again, krisis is real)

Salamat Kay Dr. Angelica Anne “Jay-Anne” Chua na isang ob-gyn sa St. Luke’s Global City. Usually pasyente ang nagbibigay ng regalo sa doktor, pero siya niregaluhan pa niya ako ng speculum noong women’s month at nagamit ko iyon sa ilan kong raket. Nasa video na ito ang napaka-cute na speculum na iyon.

Sa kanyang dating trainee sa QMMC na sa Dr. Sharma Paguirigan na kahit palagi akong inaasar at nasa public hospital lang kami, ramdam na ramdam ko pa rin ang alaga niya. Sa totoo lang, nami-miss ko ang pang-aasar niya sa akin kahit hinuhuyu-hu u na lang niya ako ngayon.

At syempre ang dahilan kung bakit may natitira pang konting katinuan sa aking pag-iisip sa kabila ng mga nakakabaliw na nangyayari sa ating paligid ngayon, sa aking psychiatrist na si Dr. Imelda Batar na affiliated naman sa The Medical City.

Sa mga lodi ko na nakikita ko lang sa TV. Hindi ko man po kayo kilala ng personal, isang malaking THANK YOU pa rin po!

Kay Dr. Maria Rosario Vergeire na kahit Sunday eh makikita mo sa TV at bihirang magkaroon ng ka-relyebo. Akala ko dati basta government employee ka automatic kahit anong krisis ang mangyari wala pa ring pasok every Sunday, lalo na kapag boss ka. Kaya pagsaludo po!

Screenshot_2020-04-08-09-25-55-26

Kay Ms. Rowena Salvacion ng DZBB radyo na TV pa (wink) na 7 days a week ko na napapanood lately, at conscious na conscious na sa kanyang eye bags na eye maleta na daw. Kung gaano kalaki ang eye bags ni Ma’am, ganoon din siya kasipag. ‘Di tulad naming nasa bahay lang na tyan lang ang lumalaki.

Screenshot_2020-04-08-11-33-42-74

Salamat at nakarating ka hanggang dito sa dulo. Tutal kanina ka pa naman andito lubus-lubusin mo na. Pwede bang makahingi ng favor mula sa iyo para hindi na ako mapilitang rumaket sa labas? Baka pwedeng kang bumisita sa aking Youtube channel. Panoorin mo ang kahit anong video ko for a minimum of 3 minutes then paki-click ‘yung “subscribe” button. Make sure naka-log-in ka sa Gmail or Google account mo to be able to click ‘yung “subscribe” button.

Thank you!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s