KWENTONG LOCKDOWN #02 – So gusto mo nang umuwi ng probinsya?

Standard

Dito sa aming probinsya, tuwing Monday naka-lockdown talaga kami, as in walang pwedeng lumabas kahit sabihin mo na bibili ka lang ng bigas, bawal ‘yun, tsaka sarado rin naman ang mga tindahan. Sa observation ko disiplinado naman ang mga tao dito sa amin. Talagang naiipatupad ang social distancing. At mangilan-ngilan lang ‘yung mga pasaway.

Sa Maynila napakarami raw ng pasaway na nagsisilabasan pa. Siguro ang iba ayaw naman talagang lumabas at napipilitan lang. Isang dahilan ay pupwede naghahanap sila ng pagkain dahil na-late ang dating ng relief o never pa talaga nakapamahagi ng relief in the first place. ‘Di hamak nga naman na mas marami ang mahihirap sa Maynila kumpara sa probinsya.

Dito sa probinsya basta bakante ang lote sa tabi ng bahay mo, kahit hindi iyo ay pwede mong taniman. Ang iba sa amin, hindi pa nage-ECQ ginagawa na ito. Kaya kahit wala kaming pera ay sagana kami.

Kaya napakaganda nung idea ng gobyerno na balik-probinsya. Kaya lang sana noon pa ito nagawa.

Bakit?

Noon pa naman maraming gustong umuwi ng probinsya kaso nga lang hindi talaga pwede kasi walang trabahong naghihintay dito.

2 weeks na kaming COVID-free. Tapos heto, kahapon may 2 na namang mga bagong case.

Bakit? Ano ‘yun, magic?

Hindi ko din alam. Siguro talagang ganyan kapag hindi natin nakikita ang kalaban. Kahit gaano ka kaingat malulusutan ka pa rin, kahit hindi ka naman pasaway gaya daw nung mga taga-Maynila.

So ilan pa kaya ang magiging new cases dito kapag nagbalik-probinsya ang mga taga-Maynila na epicenter ng pandemya.

Hindi naman ako tutol sa paguwi ninyo. Ang sana lang noon pa kayo pinauwi noong hindi pa nagkaka-COVID.

Anudaw?

Duterte institutionalizes Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program

Bagong pag-asa? O baka naman bagong COVID cases.

Kwentong Lockdown #01 – Ang Mga Frontliners, Tao Lang Din Ang Mga Iyan

Standard

First week pa lang ng COVID19 community quarantine naisipan ko nang maki-uso at gumawa ng tribute video para sa ating mga frontliners. Karamihan kasi sa atin natuto nang mag-vlog dahil sa pagka-bagot. At hindi na rin kasi uso ang traditional blog na gaya nitong ginagawa ko ngayon. Kaso ang hirap magpa-cute sa video (lalo na kung alam mo naman na hindi ka cute, at hindi ka naman celebrity), at malaki rin ang nakokonsumong oras ng pag-eedit, eh magte-thank you lang naman ako tapos… tapos na.

As of yesterday (April 7, 2020), aprubado na ang extension ng lockdown hanggang April 30. So kailangan na muna nating i-pause ang Youtube, Tiktok at Netflix na iyan at aminin sa ating mga sarili na apektado naman talaga tayong lahat mapa-mayaman o mahirap, employee o employer ng krisis na ito. At kailangan din nating pag-isipan ang posibilidad na bago mag-April 30 ay baka magkaroon ng announcement ng bagong extension.

So tuloy lang ang skeleton workforce ng mga frontliners natin.

Paano nga ba natin sila totoong mapapasalamatan bukod sa paggawa ng thank you video sa Tiktok o kung anumang video platform ang gamit niyo?

Hindi ko rin alam sa totoo lang. Kasi as of this moment mukhang kailangan ko din ng tulong. Pinansyal! Kaya kung anu-ano na lang talaga ang naiisip ko ngayon.

So naisip ko rin na alam naman natin siguro na itong mga frontliners na ito, mga tao din ang mga iyan at hindi sila superhero. Pero nag-sink in ba talaga sa atin iyon? Maayos ba talaga nating naisalaksak sa kaibuturan ng ating mga kokote ang fact na iyan?

Mahirap talagang iproseso sa kokote iyan lalo na kung may nagsasabi jan na ang swerte naman daw nung mga health care workers na namatay dahil sa COVID19, kasi namatay sila para sa bayan.

Hindi ko alam kung paano niya nasasabi iyan, eh buhay pa naman kasi siya hanggang ngayon kaya paano ba niya malalaman ang pakiramdam nung unti-unti kang nalalagutan ng hininga pero at the same time proud na proud ka sarili mo na mamamatay ka para sa bayan at magiging superhero ang tingin ng lahat tao sa iyo.

Ewan ko sa kanya.

Basta ang sabi ng isang doktor ni si Dr. Grace Torres na nakipaglaban sa kamatayan dahil sa COVID19, ang nasa isip daw niya noong panahon na iyon ay paano na ang anak niya at mga senior citizens na niya na mga magulang. Umiiyak daw siya. Paano kung pati pamilya niya ay nahawaan niya?

‘Eto ang buo niyang kwento.

Screenshot_2020-04-07-15-28-38-87

So ayun nga guise, tao lang din ang mga iyan. Kapag sila ang naging pasyente kung ano ang kailangan ng mga non-health workers na pasyente ganoon din ang pangangailangan nila. Huwag mong sabihin sa sarili mo na ay doktor naman iyan, kaya niyang gamutin ang kanyang sarili. Mas maliit ang tyansa na matuluyan iyan kumpara dun sa mga non-health workers na pasyente. Anubeh?

Samantalang ‘yung isa pang fact na pupwede rin silang makahawa eh alam na alam na natin. Ni hindi nga sumagi sa isip natin na ay nurse o doktor naman iyan. Baka may super powers (or at least super skills)  iyan na sarilihin na lang niya ‘yung nakakahawa niyang sakit.

Ayaw na nga ng ibang apartment owners jan na magpatira ng mga health workers, ‘di ba?

‘Eto pa ang isang fact, bawal po iyang ginagawa niyong diskriminasyon against our health workers.

Kasuhan na nga ang mga iyan. Kailangan may masampolan para magtigil na sila.

‘Pag sila naman ang tinamaan ng COVID19 syempre magkakapalmuks din naman ang mga iyan na lumapit sa mga dini-discriminate nila. Wala naman kasi silang choice ‘di ba? Sana lang ‘yung mga gumawa ng mga katarantaduhan sa mga health workers ‘wag na silang magkasakit or mai-injure ever sa buong buhay nila para never silang magkakapalmuks na lumapit sa mga taong dini-discrimate nila ngayon.

And guise, huwag na nating subukan na gawin ang ating mga part. Gawin na natin period. Alam naman natin na kaya naman talaga nating gawin ‘di ba?

Kung may nararamdaman ka, natatandaan mo naman siguro lahat ng fact tungkol sa history mo ‘di ba? Sabihin mo lahat ‘yan.

Kung nasa bahay ka lang, stay ka lang jan. Pagkabagot lang kalaban mo sa loob ng bahay, sa labas si COVID19 ang kalaban mo. Eh sino ba talagang mas pipiliin mo? Todo effort na nga kaming mga artists na i-entertain ka eh ‘wag ka lang lumabas. Ang dami na ngang major film studios na nagpa-promo at pinalabas ng libre ang pelikula nila sa Youtube. May mga author na nga din na pinamimigay na ng libre electronically ang kanilang mga akda malibang ka lang, kaya please jan ka lang sa bahay.

Oh ‘eto pa ang pwede mong panoorin ‘pag tapos na subscription mo sa Netflix. ‘Wag ka na munang mag-renew. Magtipid, because krisis is real. Eh ‘eto, libre: https://www.facebook.com/nccancc/posts/123095612627463

Kaya sa puntong ito, napakahalaga rin na magpasalamat tayo sa mga non-frontliners na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa bahay at pinipili pa rin ang maging masunurin.

Saludo po ako sa inyo, sa atin! ‘Di hamak na mas malaki ang ambag natin kumpara dun sa mga sumasalbahe sa mga health workers.

Kaya cheers!

Go #teambahay! Go! Go, #teambahay! Let’s fight and win this battle!

And also gusto ko na ring samantalahin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa mga favorite frontliners ko.

Sa mga doktor sa buhay ko na wala man sa frontline ngayon, at hindi ko man kaano-ano but still managed to go beyond and above their practice sa pag-aalaga sa akin. (Malamang ngayon, nag-iisip rin sila dahil hindi man sila no work no pay, no konsulta no pay at no procedure no pay naman sila. Saan nga ba nila huhugutin ang pambayan sa renta sa clinic na mahigit isang buwan lang namang na-tengga? Again, krisis is real)

Salamat Kay Dr. Angelica Anne “Jay-Anne” Chua na isang ob-gyn sa St. Luke’s Global City. Usually pasyente ang nagbibigay ng regalo sa doktor, pero siya niregaluhan pa niya ako ng speculum noong women’s month at nagamit ko iyon sa ilan kong raket. Nasa video na ito ang napaka-cute na speculum na iyon.

Sa kanyang dating trainee sa QMMC na sa Dr. Sharma Paguirigan na kahit palagi akong inaasar at nasa public hospital lang kami, ramdam na ramdam ko pa rin ang alaga niya. Sa totoo lang, nami-miss ko ang pang-aasar niya sa akin kahit hinuhuyu-hu u na lang niya ako ngayon.

At syempre ang dahilan kung bakit may natitira pang konting katinuan sa aking pag-iisip sa kabila ng mga nakakabaliw na nangyayari sa ating paligid ngayon, sa aking psychiatrist na si Dr. Imelda Batar na affiliated naman sa The Medical City.

Sa mga lodi ko na nakikita ko lang sa TV. Hindi ko man po kayo kilala ng personal, isang malaking THANK YOU pa rin po!

Kay Dr. Maria Rosario Vergeire na kahit Sunday eh makikita mo sa TV at bihirang magkaroon ng ka-relyebo. Akala ko dati basta government employee ka automatic kahit anong krisis ang mangyari wala pa ring pasok every Sunday, lalo na kapag boss ka. Kaya pagsaludo po!

Screenshot_2020-04-08-09-25-55-26

Kay Ms. Rowena Salvacion ng DZBB radyo na TV pa (wink) na 7 days a week ko na napapanood lately, at conscious na conscious na sa kanyang eye bags na eye maleta na daw. Kung gaano kalaki ang eye bags ni Ma’am, ganoon din siya kasipag. ‘Di tulad naming nasa bahay lang na tyan lang ang lumalaki.

Screenshot_2020-04-08-11-33-42-74

Salamat at nakarating ka hanggang dito sa dulo. Tutal kanina ka pa naman andito lubus-lubusin mo na. Pwede bang makahingi ng favor mula sa iyo para hindi na ako mapilitang rumaket sa labas? Baka pwedeng kang bumisita sa aking Youtube channel. Panoorin mo ang kahit anong video ko for a minimum of 3 minutes then paki-click ‘yung “subscribe” button. Make sure naka-log-in ka sa Gmail or Google account mo to be able to click ‘yung “subscribe” button.

Thank you!

Read and Ride in UPCWGS

Standard

UP Center for Women’s and Gender Studies (UPCWGS) is the University of the Philippines System’s Center that addresses concerns and issues involving women and the LGBT in the university and society.

As a part of their women’s month celebration, they organized a bazaar which will be participated by UP Community Women Entrepreneurs, PWD Group, White Cross Orphanage, FPSDC, Mission Business Center, Homenet Coop Network, LiveGreen, Trimona, Security Bank, Alaska Pollock, and many more.

Check their Facebook page here.read and ride UPCWGS

Read and Ride in Gantala Press

Standard

“Founded in 2015 in Metro Manila, GANTALA PRESS is an independent, non-profit, volunteer-run Filipina feminist press that centers women’s stories and issues in our projects (publications, small press fairs, discussions and workshops) and in our participation in people’s movements. We believe in the potential of feminist publishing as a social practice and in solidarity work with women artists and collectives as vital political action.

Gantala Press always donates part of our earnings to projects that support the dispossessed and other victims of state violence. All our sales go to publishing projects for long-silenced communities in the margins.”

Check out their website here.

read and ride cafe GGSSG

Read and Ride in Real, Quezon Province

Standard

Read and Ride Mobile Book Store will join Lion and the Scouts anniversary beach party at the Park Surfing Camp in Real, Quezon this February 22-23, 2020!

Lion and the Scouts is a reggae band formed 10 years ago, with members, Joshwa “Bigote” Espiritu (vocalist), Bobbie Esteleydes (guitarist), Rence “Enkee” Abustan (guitarist), Nino “Emman” Ogsimer (bassist), Jeffrey Manuel (keyboardist) Eejay “E.Z” Escalona (shakers), Bhey Marley (percussionist), Bryan David (percussionist), and Marc “Cholo” Montano (drummer).

Beaches in Real, Quezon is becoming popular because of its wave which is perfect for beginner surfers. Some call it the Elyu (La Union) of the South!read and ride pub LION SCOUTS

BATWITAAL: Fundraising Para Sa Mga Batang Bakwit ng Taal

Standard

Bumuo ako ng isang fundraising activity para sa mga batang bakwit ng Taal. Pinag-drawing at pinagsulat ko sila tungkol sa danas nila sa pagputok ng bulkang Taal.

Gumawa ako ng marami kopya nito, ginawang zine (mini book) at pinangalanan kong: “BATWITAAL (Mga Batang Bakwit ng Taal).”

Ibinebenta ko ito sa halagang PHP 120 kada kopya. Ang malaking porsyento ng kita kada kopya ay mapupunta sa mga author na batang bakwit. I-email niyo ako sa lexin.production@gmail.com kung interesado kayong bumili. Pwede kong i-ship o dalhin sa inyo ng personal ang mini book.

batwitaal cover

Kapag bumili kayo, kailangan ko ng contact number ninyo para mabalitaan ko kayo kung saan mapupunta ang pera niyo. May control number ang bawat kopya ng mini book, at ipa-publish ko ang lahat ng pangalan ng mga bibili. Sana rin ay pwedeng magpa-picture sa inyo hawak ang zine at mai-display iyon sa blog na ito (optional naman po ito, hindi ko kayo pipilitin kung mahiyain kayo).IMG20200124100320 - Copybatwitaal breakdown

Sa darating na Sabado (February 1, 2020) nasa UP Town Center ang aking mobile book store cafe. Ibebenta ko doon ang “Batwitaal.”

Magtitinda rin ako ng kape, tinapay, at iba pang desserts. 🙂

Sana ay magkita-kita po tayo doon. Ang event na iyon ay inorganisa naman ng UP medicine students para sila ay maka-likom ng pera na ipapamahagi naman nila sa mga batang cancer patient ng PGH.

Oh ‘di ba… makakatulong ka na sa mga batang bakwit ng Taal, makakatulong ka pa sa mga batang cancer patient ng PGH.

Bongga!

============================================================

August 2020 update:

Dahil sa COVID19 crisis, kinailangan naming pataasin ng kaunti ang presyo mula PHP 120 to PHP 150.read and ride cafe

Biyak (book)

Standard

Ang “Biyak” nga pala ay librong aking isinulat at dinrowingan ni Bebang Siy. Unang lumabas ito bilang zine (babasahin na inimprenta sa printer sa bahay at inistapleran) noong December 2016 at ibinenta sa BLTX sa pamamagitan ng Balangay Productions, ang publishing outfit ng asawa ni Bebang Siy na si Ronald Verzo. 7 copies lamang ang nailabas namin noon, at pahirapan din sa pag-ubos. Haha!

Noon namang 2018 ay inedit ng mag-asawa ang materyales at dinevelop iyon bilang isang libro. Sa ngayon ay matatagpuan ito sa maliliit na book store (na hindi ko alam kung saan. Haha!), pati na rin sa Shoppee. At kasalukuyan din itong binebenta sa Manila International Book Fair sa SMX MOA. Magtatagal ang nasabing book fair hanggang September 15, 2019.

Sana po ay masilip at mabulatlat ninyo ang “Biyak” sa booth ng Visprint sa 2nd floor, Aisle D. At kung may ekstrang pera kayo ay sana’y makakuha kayo ng sarili niyong kopya upang inyong makilatis at ma-examine maigi. 🙂

Caleruega Church And Its Other Attractions

Standard

calaruega church nasugbu batangas near tagaytay“Close to nature, close to God.”

close to nature close to god calaruega church compound nasugbu batangas near tagaytay

Caleruega Church is often mistaken to be located in Tagaytay, Cavite. Its real location is in Nasugbu, Batangas, which is less than 30 minutes away from Tagaytay depending on traffic. Like Tagaytay, Nasugbu is also a mountainous town. It is the home of some upscale beach resorts and the famous island resort, Fortune Island.

Other than Caleruega Church itself which has become famous shooting spot of Pinoy films and teleseryes especially for wedding scenes, there are many attractions inside Caleruega Church’s compound that you will surely enjoy.

There is Koi Pond, Garden Café, farm and many more.

Though we didn’t have enough time to explore every corner of the church’s compound, our eyes were already satisfied with the spectacular view of the mountains.

mountain view calaruega church compound nasugbu batangas near tagaytaywith my family at mountain view calaruega church compound nasugbu batangas near tagaytay

There is an entrance fee to access the whole compound which is about 40 pesos. But that entrance fee is not bad because the compound is well maintained. They have enough comfort rooms which are clean, and you won’t see any garbage on the floor.

How to get there:

It is about 3-4 hour drive from Manila. It is best to come early because you need to pass through Tagaytay when getting there, and traffic in Tagaytay can be awful especially on weekends.

It is best to come with your own car than to commute because the compound is secluded and not accessible via public transport.

But if you don’t have a choice but to commute, you can ride a bus going to Nasugbu, Batangas from LRT Gil Puyat. You can alight at KC Hillcrest Hotel and Golf Club (formerly known as Evercrest Golf Club Resort) in Batulao, Nasugbu, Batangas. From Evercrest you can ride a tricycle going to Caleruega Church in Brgy. Caylaway, Batulao, Nasugbu, Batangas.

Additional reminder:

It is better to bring your own food than to buy. Food stalls outside the compound are “presyong panturista.” But luckily there is a karinderia there where you can eat your baon and you just have to rent their table for a reasonable price.